Mar 2 2010

meh.

am scared. ia-announce na today sa team namin ung paglipat ko ng ibang team. haaay.
nalulungkot ako kasi maiiwan ko ung process na hawak ko.. ee baby ko yun.. so parang nakakalungkot lang. tsaka ung mga applications na araw araw kong kasama.
tas natatakot ako with what’s waiting for me pag lumipat na ako.
it’s scary sobra. and no one’s here to hold my hand and tell me things are gonna be okay, and that i made the right decision..

i feel so alone :(


Feb 1 2010

Ayoko sa mga araw na sabaw

Tulad ngayon. Sabaw ang araw na ito.

Maaga nga akong nagising at pumasok, pero unproductive naman yung buong araw. Wala naman akong ibang ginagawa. Hindi nga rin ako nakapagblog eh (bukod sa isang ito, kasi feeling ko kailangan ko itong gawin).

Sa gabi, pagod akong lulubugan ng araw na walang nagagawa. Sa umaga, puyat akong sisikatan nito na walang natatapos.

-Leni Bedspacer


Jan 5 2010

20 hours

Kasi 20 hours na ata akong up and running. Para akong work machine na hindi pwede magpahinga.

Kahapon pa ko nagwowork. Amf. 6AM pa ata. Sobrang daming dapat icatch up dahil sa two weeks holiday bakasyon.

At eto pa, magkakasakit pa yata ako. Bonggang bongga diba?

Sige yun lang muna. Kakatapos ko lang magreformat ng work laptop ko. Madami pa akong work-related apps na kailangang i-install.

Gusto ko na umuwi at magpahinga.

P.S. Naiinis ako sa boypren ko na walang ginawa kungdi magFacebook. Balang araw ihahack ko yung account nya tapos buburahin ko. *evil laugh*


Dec 27 2009

Kapagod.

Kakauwi ko lang. Galing kami ni Boiffie sa Batangas-Tagaytay. Kasama namin kanina sila Mark at Paolo. Mga college friends ni Boiffie. Nakasama na rin namin sila sa Camiguin-CDO trip last March.

Nagroadtrip kami nang todong todo. Nagbeach at nagpool sa Grande Cove sa Nasugbu, Batangas. Akala ko pa nung una hindi ko magugustuhan kasi hindi maganda ang records saken ng mga beaches sa Batangas. Pero ayos naman pala, ok yung buhangin, malinis yung tubig.

Tapos kumain din kami nang todong todo. Naglunch kami sa Jollibee sa may bayan ng Nasugbu habang hinihintay yung inorder naming Crispy Pata at Sizzling seafood sa resort. Sabi kasi samen isang oras pa bago maserve ang pagkain dahil sa dami ng orders. Kaya lumabas muna kami, sobrang gutom na eh. Pagbalik namin andun na yung mga pagkain. Edi kainan na naman ulit.

Tapos beach bum ulit. Yeay may tan lines ako! Hahaha

Tapos tapos, bumalik kami sa Tagaytay para magdinner. Sobrang trapik, inabot kami ng dalawang oras siguro bago nakarating sa Tagaytay. Kumain kami sa Leslie’s kasi gusto ko ng bulalo.

Sobrang lamig kanina. Sobrang lamig din dito sa kwarto ko ngayon (sa Antipolo). Excited akong mamili ng mga winter clothes para sa Hong Kong trip namin ni Boiffie sa last week ng January. Around 14 degrees lang sa HK by that time. Woooot hello scarves, cardigans, long socks, boots, mittens, at jackets!

Yun muna.


Dec 26 2009

2010

Nabasa ko may wishlist na for 2010 ung bestfriend ko. Ayoko gumawa ng wishlist kasi hindi healthy yun. Siguro gagawa ako ng goal list, para mas okay LOL mas proactive pakinggan.

Before the year ends gagawa ako. Tapos isasama ko sa goal ko kung pano ko ihahandle ung lead ko na ewan ko ba kung saang planeta nanggaling. Feeling ko walang puso. Or kung meron man, maliit lang. Meh.


Dec 23 2009

madaming madami

Gusto ko magblog. Pero andami kong ideas. Tapos ambibilis nilang gumalaw. Hindi ko sila macapture LOL

At higit sa lahat, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

Paminsan natatamad na ko ng hustong husto. Kasi naman eeee.. basta.

Sige na nga. Ittry ko na ulit magblog. Tapos babalitaan ko kayo. Hehe


Dec 21 2009

holidays!

Yeay bakasyon na!! Parang college days lang, two weeks holiday vacay! Woooot isa ito sa mga natitirang masasayang bagay about my company, may holiday shutdown kami.

Anyhoo, dahil madaming free time, nakaisip ako ng madaming bagay na dapat gawin, yung iba magastos, yung iba naman keribels lang. At kelangan ko silang ilist down lahat kasi nakakalurkeay magsimula. Sabi nga nila diba, ang pagsisimula ang pinakamahirap gawin. Tapos kapag nagsimula ka na, ang pagpapatuloy naman ang problema mo.

May chance pa akong hindi masayang ang Monday ko (puro tulog lang kasi ginawa ko, kakagising ko lang), so eto na:

  • Gumawa ng bulletin board, meron akong ganito sa kwarto ko sa Antipolo pero gusto ko rin meron ako sa unit.
  • Tapusin ung Deadlink, ipolish ng todong todo. Andami pa kasing loophole. Tsaka hinihingi na rin ni Mica. Dapat next year ang aasikasuhin na namin ay kung paano ito gagawing movie. Short story kasi ung ginawa ko LOL
  • Gumawa ng mga beaded accessories, dati ginagawa ko ito, college pa ako nun. Ngayon wala na ko creative juice to do it, or pwede rin wala na kong creative juices kasi hindi ko na naeexercise. Anyhoo, basta dapat bago matapos ang taon, makapuno ako ng isang toolbox ng beads.
  • Magput up ng isang pretty organizational closet sa kwarto. Eto medyo mahirap gawin kasi nangangailangan ng paggastos. Eeee ayaw ko gumastos LOL Pero nakakita na akong inspiration sa isang magazine kung paano ko ito gagawin.
  • At syempre, magset ng goals para sa 2010. Mahirap din itong gawin kasi nangangailangan naman ito ng prioritization. Eeee medyo sablay ako sa ganyang bagay. Meh.

So ayan muna. Tingin ko yan na yung naisip kong gawin sa two weeks na walang gagawin. Haha. Aye! At syempre, magblog pala ng bonggang bongga. Kaya lang sobrang labo ng part na ito. Kasi nakakatamad magblog kapag walang nagbabasa. Parang paminsan sayang naman yung sinulat mo. Ok lang sana kung wala kang kwenta magsulat, Ok lang na walang magbasa sayo LOL Ang mean. Hahaha

Ayun lang. Sige magpa-Plants vs Zombies muna ako. Tas imamarathong yung mga nadownload kong episodes ng Being Erica. Ocrap?! Teka, kasama ba sa agenda yun? =b


Dec 5 2009

Malamig na

Kasi December na naman.

Busy daw ako tonight, feeling photoshop expert. Nageedit ng mga kung anik anik na piktyoors. Malay mo naman diba, may magawa akong awesome.

Anyhoo, mamaya dapat magblog ako. Yung bonggang bonggang blogging. Para madami akong mapost, madaming matapos, at hopefully, dumami rin ang dolyar.

Ayun lang muna.


Nov 8 2009

Namili kami ng gamit pangbahay

Namili kami kanina ng mga gamit pangbahay.

Ang napamili:

  • isang cute na foldable hamper Php119.00
  • stainless steel na lagayan ng mga toiletries Php199.00
  • isang blue tabo Php14.00
  • bilog na hook para sa stainless steel na lagayan ng mga toiletries Php49.00
  • at isang foot towel

Itatanong mo ba kung magkano ang foot towel na nabili namin? Mkay, sige na nga. Kahit masama sa loob ko. Php199.00 Sabi sayo eh, wag mo na itanong.

At oo, gusto ko rin magwala kanina nung makita kong Php199 pala yung kapirasong tela na gagawin kong pamunasan ng paa. WTH. Mas mahal pa sa hamper na lagayan ng mga maduduming damit. T__T

Di bale na nga.

Bukas bibili kami ng curtain rod at kurtina syempre. Dapat kasi kanina bumili na rin, kaya lang hindi kami sigurado kung kakasya ba ang 8ft rod, kahit na wala nang mas mahaba pa sa 8ft.

At madami pa akong kailangang bilhin.


Nov 8 2009

Isang Linggong Weekend

Kasi nagkasakit ako. Apat na araw akong naconfine sa The Medical City. T___T Apat na araw din akong nawala sa trabaho. Lunes na bukas at for sure, tambak pa sa tambak ang sasalubong na gawain para saken.

Hindi ito ang inaasahan kong simula ng FY ko. OMG.

Yun na lang muna.