Namili kami ng gamit pangbahay
Namili kami kanina ng mga gamit pangbahay.
Ang napamili:
- isang cute na foldable hamper Php119.00
- stainless steel na lagayan ng mga toiletries Php199.00
- isang blue tabo Php14.00
- bilog na hook para sa stainless steel na lagayan ng mga toiletries Php49.00
- at isang foot towel
Itatanong mo ba kung magkano ang foot towel na nabili namin? Mkay, sige na nga. Kahit masama sa loob ko. Php199.00 Sabi sayo eh, wag mo na itanong.
At oo, gusto ko rin magwala kanina nung makita kong Php199 pala yung kapirasong tela na gagawin kong pamunasan ng paa. WTH. Mas mahal pa sa hamper na lagayan ng mga maduduming damit. T__T
Di bale na nga.
Bukas bibili kami ng curtain rod at kurtina syempre. Dapat kasi kanina bumili na rin, kaya lang hindi kami sigurado kung kakasya ba ang 8ft rod, kahit na wala nang mas mahaba pa sa 8ft.
At madami pa akong kailangang bilhin.
