Dec
27
2009
Kakauwi ko lang. Galing kami ni Boiffie sa Batangas-Tagaytay. Kasama namin kanina sila Mark at Paolo. Mga college friends ni Boiffie. Nakasama na rin namin sila sa Camiguin-CDO trip last March.
Nagroadtrip kami nang todong todo. Nagbeach at nagpool sa Grande Cove sa Nasugbu, Batangas. Akala ko pa nung una hindi ko magugustuhan kasi hindi maganda ang records saken ng mga beaches sa Batangas. Pero ayos naman pala, ok yung buhangin, malinis yung tubig.
Tapos kumain din kami nang todong todo. Naglunch kami sa Jollibee sa may bayan ng Nasugbu habang hinihintay yung inorder naming Crispy Pata at Sizzling seafood sa resort. Sabi kasi samen isang oras pa bago maserve ang pagkain dahil sa dami ng orders. Kaya lumabas muna kami, sobrang gutom na eh. Pagbalik namin andun na yung mga pagkain. Edi kainan na naman ulit.
Tapos beach bum ulit. Yeay may tan lines ako! Hahaha
Tapos tapos, bumalik kami sa Tagaytay para magdinner. Sobrang trapik, inabot kami ng dalawang oras siguro bago nakarating sa Tagaytay. Kumain kami sa Leslie’s kasi gusto ko ng bulalo.
Sobrang lamig kanina. Sobrang lamig din dito sa kwarto ko ngayon (sa Antipolo). Excited akong mamili ng mga winter clothes para sa Hong Kong trip namin ni Boiffie sa last week ng January. Around 14 degrees lang sa HK by that time. Woooot hello scarves, cardigans, long socks, boots, mittens, at jackets!
Yun muna.
no comments
Dec
26
2009
Nabasa ko may wishlist na for 2010 ung bestfriend ko. Ayoko gumawa ng wishlist kasi hindi healthy yun. Siguro gagawa ako ng goal list, para mas okay LOL mas proactive pakinggan.
Before the year ends gagawa ako. Tapos isasama ko sa goal ko kung pano ko ihahandle ung lead ko na ewan ko ba kung saang planeta nanggaling. Feeling ko walang puso. Or kung meron man, maliit lang. Meh.
no comments
Dec
23
2009
Gusto ko magblog. Pero andami kong ideas. Tapos ambibilis nilang gumalaw. Hindi ko sila macapture LOL
At higit sa lahat, hindi ko alam kung san ako magsisimula.
Paminsan natatamad na ko ng hustong husto. Kasi naman eeee.. basta.
Sige na nga. Ittry ko na ulit magblog. Tapos babalitaan ko kayo. Hehe
no comments
Dec
21
2009
Yeay bakasyon na!! Parang college days lang, two weeks holiday vacay! Woooot isa ito sa mga natitirang masasayang bagay about my company, may holiday shutdown kami.
Anyhoo, dahil madaming free time, nakaisip ako ng madaming bagay na dapat gawin, yung iba magastos, yung iba naman keribels lang. At kelangan ko silang ilist down lahat kasi nakakalurkeay magsimula. Sabi nga nila diba, ang pagsisimula ang pinakamahirap gawin. Tapos kapag nagsimula ka na, ang pagpapatuloy naman ang problema mo.
May chance pa akong hindi masayang ang Monday ko (puro tulog lang kasi ginawa ko, kakagising ko lang), so eto na:
- Gumawa ng bulletin board, meron akong ganito sa kwarto ko sa Antipolo pero gusto ko rin meron ako sa unit.
- Tapusin ung Deadlink, ipolish ng todong todo. Andami pa kasing loophole. Tsaka hinihingi na rin ni Mica. Dapat next year ang aasikasuhin na namin ay kung paano ito gagawing movie. Short story kasi ung ginawa ko LOL
- Gumawa ng mga beaded accessories, dati ginagawa ko ito, college pa ako nun. Ngayon wala na ko creative juice to do it, or pwede rin wala na kong creative juices kasi hindi ko na naeexercise. Anyhoo, basta dapat bago matapos ang taon, makapuno ako ng isang toolbox ng beads.
- Magput up ng isang pretty organizational closet sa kwarto. Eto medyo mahirap gawin kasi nangangailangan ng paggastos. Eeee ayaw ko gumastos LOL Pero nakakita na akong inspiration sa isang magazine kung paano ko ito gagawin.
- At syempre, magset ng goals para sa 2010. Mahirap din itong gawin kasi nangangailangan naman ito ng prioritization. Eeee medyo sablay ako sa ganyang bagay. Meh.
So ayan muna. Tingin ko yan na yung naisip kong gawin sa two weeks na walang gagawin. Haha. Aye! At syempre, magblog pala ng bonggang bongga. Kaya lang sobrang labo ng part na ito. Kasi nakakatamad magblog kapag walang nagbabasa. Parang paminsan sayang naman yung sinulat mo. Ok lang sana kung wala kang kwenta magsulat, Ok lang na walang magbasa sayo LOL Ang mean. Hahaha
Ayun lang. Sige magpa-Plants vs Zombies muna ako. Tas imamarathong yung mga nadownload kong episodes ng Being Erica. Ocrap?! Teka, kasama ba sa agenda yun? =b
6 comments
Dec
5
2009
Kasi December na naman.
Busy daw ako tonight, feeling photoshop expert. Nageedit ng mga kung anik anik na piktyoors. Malay mo naman diba, may magawa akong awesome.
Anyhoo, mamaya dapat magblog ako. Yung bonggang bonggang blogging. Para madami akong mapost, madaming matapos, at hopefully, dumami rin ang dolyar.
Ayun lang muna.
1 comment