holidays!

Yeay bakasyon na!! Parang college days lang, two weeks holiday vacay! Woooot isa ito sa mga natitirang masasayang bagay about my company, may holiday shutdown kami.

Anyhoo, dahil madaming free time, nakaisip ako ng madaming bagay na dapat gawin, yung iba magastos, yung iba naman keribels lang. At kelangan ko silang ilist down lahat kasi nakakalurkeay magsimula. Sabi nga nila diba, ang pagsisimula ang pinakamahirap gawin. Tapos kapag nagsimula ka na, ang pagpapatuloy naman ang problema mo.

May chance pa akong hindi masayang ang Monday ko (puro tulog lang kasi ginawa ko, kakagising ko lang), so eto na:

  • Gumawa ng bulletin board, meron akong ganito sa kwarto ko sa Antipolo pero gusto ko rin meron ako sa unit.
  • Tapusin ung Deadlink, ipolish ng todong todo. Andami pa kasing loophole. Tsaka hinihingi na rin ni Mica. Dapat next year ang aasikasuhin na namin ay kung paano ito gagawing movie. Short story kasi ung ginawa ko LOL
  • Gumawa ng mga beaded accessories, dati ginagawa ko ito, college pa ako nun. Ngayon wala na ko creative juice to do it, or pwede rin wala na kong creative juices kasi hindi ko na naeexercise. Anyhoo, basta dapat bago matapos ang taon, makapuno ako ng isang toolbox ng beads.
  • Magput up ng isang pretty organizational closet sa kwarto. Eto medyo mahirap gawin kasi nangangailangan ng paggastos. Eeee ayaw ko gumastos LOL Pero nakakita na akong inspiration sa isang magazine kung paano ko ito gagawin.
  • At syempre, magset ng goals para sa 2010. Mahirap din itong gawin kasi nangangailangan naman ito ng prioritization. Eeee medyo sablay ako sa ganyang bagay. Meh.

So ayan muna. Tingin ko yan na yung naisip kong gawin sa two weeks na walang gagawin. Haha. Aye! At syempre, magblog pala ng bonggang bongga. Kaya lang sobrang labo ng part na ito. Kasi nakakatamad magblog kapag walang nagbabasa. Parang paminsan sayang naman yung sinulat mo. Ok lang sana kung wala kang kwenta magsulat, Ok lang na walang magbasa sayo LOL Ang mean. Hahaha

Ayun lang. Sige magpa-Plants vs Zombies muna ako. Tas imamarathong yung mga nadownload kong episodes ng Being Erica. Ocrap?! Teka, kasama ba sa agenda yun? =b


6 Responses to “holidays!”

Leave a Reply