Kapagod.

Kakauwi ko lang. Galing kami ni Boiffie sa Batangas-Tagaytay. Kasama namin kanina sila Mark at Paolo. Mga college friends ni Boiffie. Nakasama na rin namin sila sa Camiguin-CDO trip last March.

Nagroadtrip kami nang todong todo. Nagbeach at nagpool sa Grande Cove sa Nasugbu, Batangas. Akala ko pa nung una hindi ko magugustuhan kasi hindi maganda ang records saken ng mga beaches sa Batangas. Pero ayos naman pala, ok yung buhangin, malinis yung tubig.

Tapos kumain din kami nang todong todo. Naglunch kami sa Jollibee sa may bayan ng Nasugbu habang hinihintay yung inorder naming Crispy Pata at Sizzling seafood sa resort. Sabi kasi samen isang oras pa bago maserve ang pagkain dahil sa dami ng orders. Kaya lumabas muna kami, sobrang gutom na eh. Pagbalik namin andun na yung mga pagkain. Edi kainan na naman ulit.

Tapos beach bum ulit. Yeay may tan lines ako! Hahaha

Tapos tapos, bumalik kami sa Tagaytay para magdinner. Sobrang trapik, inabot kami ng dalawang oras siguro bago nakarating sa Tagaytay. Kumain kami sa Leslie’s kasi gusto ko ng bulalo.

Sobrang lamig kanina. Sobrang lamig din dito sa kwarto ko ngayon (sa Antipolo). Excited akong mamili ng mga winter clothes para sa Hong Kong trip namin ni Boiffie sa last week ng January. Around 14 degrees lang sa HK by that time. Woooot hello scarves, cardigans, long socks, boots, mittens, at jackets!

Yun muna.


Leave a Reply